Noong nakaraang ika-14 ng Agosto 2013, naganap ang
pagpupulong sa pagitan ng Kagawaran ng Agrikulutra ng Pilipinas at Ana Shell,
may-ari ng ’Territory of Shell’ (www.anashell.com), at NRGLab Company na
naka-base sa Singapore (www.nrglab.asia). Ang nasabing pagpupulong
ay nilahukan nina Atty. Emerson U. Palad, Undersecretary at Chief of Staff ng
Kagawaran ng Agrikulutra, Manuel Jose C. Regalado, Deputy Executive Director ng
Philippine Rice Research Institute (IRRI), Rex L. Bingabing, Executive Director
ng Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PHILMECH),
at mga espesyalista sa pananaliksik ng siyensya ng Kagawaran ng Enerhiya sa
pangunguna ni Jamie Joseph Q. Castillo.
Ang Pilipinas ay naglalabas taun-taon ng 1.0 bilyong
tonelada ng biomass o organic na materyal na hango mula sa mga halaman at
hayop, na may katumbas na enerhiyang 200 milyon na toneladang LNG (Liquified
Natural Gas) na nagkakahalagang $100 bilyong dolyar.
Sa usapang pang-enerhiya, lumalabas na kayang kumunsumo
ng Pilipinas taun-taon ng hanggang 500 milyong tonelada ng palumpong na biomass
katulad ng puno ng niyog, palay, tira ng saging at pinya, manga at iba pa.
Ang gasification ng 500 milyong toneladang biomass kada
taon ay may katumbas na fuel ng 100 milyong tonelada ng LNG. Ang pagbawi ng
gastos sa pagpapagawa ng power plant mula sa synthetic gas (syngas) ay
tinatayang 3 taon matapos ang pagsisimula
ng operasyon ng planta.
Ang paggamit ng biomass sa Pilipinas ay maaaring
pumalit sa kasalukuyang paggamit ng uling, gas o langis na sinusunog sa paglikha ng kuryente.
Bukod dito, ang paglabas ng carbon dioxide ay mababawasan ng kalahati.
Isa sa mga isyung napag-usapan sa nasabing pagpupulong
ay ang pagpapatayo ng NRGLab ng unang planta para sa gasification gamit ang
kanilang intellectual turbine na may tinatayang 25 mWh na nagkakahalaga ng $25
milyong dolyar.
Ang magsisilbing feedstock ng planta ay makukuha mula
sa mga magsasakang Pilipino sa halagang $25 dolyar kada tonelada.
Ang isang taong operasyon ng planta ay nangangailangan
ng 210,000 tonelada ng basurang agrikultural o feedstock na nagkakahalaga ng
$5,250,000 dolyar. Mula sa nasabing feedstock, 215 bilyong kWh ng enerhiya ang
mailalabas. Ang magiging halaga ng nasabing elektrisidad ay nasa $0.12 na
katumbas ng kita na $25.8 milyong dolyar.
Sundan lamang ang link upang matutunan ang iba pang mga
bagay ukol sa gasification program:
[ territory of shell, Liquified Natural Gas, synthetic gas, Atty. Emerson U. Palad, affordable energy, Ana shell, Ana Shell NRGLab, gasification project, gasification Ana Shell ]
No comments:
Post a Comment